Naputulan ng mga paa ang isang mag-inang naglalakad lang sa gilid ng kalsada sa Naga City, Camarines Sur, ayon sa ulat sa Unang Balita.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang si Christine Pelo ang ang kanyang 12 anyos na anak sa may poste ng ilaw.

Makikita ang isang kotse na biglang nawala sa lane at nabundol ang mag-ina.

Tumilapon ang mga biktima at agad natulungan ng mga tao sa lugar.

Ang driver ng nasabing kotse ay nakilala na si Mine Olos, 40 taong gulang.

Dinala sa ospital ang mag-ina.

Handa daw sagutin ng driver ang pagpapagamot sa mga biktima. — BAP, GMA News