Pumanaw na ang asong si "Buboy" matapos masagasaan ng van sa Pampanga. Matatandaan na marami ang naantig sa kaniyang larawan na nag-viral sa social media kamakailan nang dumalaw siya sa burol ng isang guro na naging kaibigan niya sa paaralan.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, sinabing na-huli cam pa ang nangyaring pagsagasa ng puting ban kay "Buboy" na naganap sa tapat ng paaralan sa Mabalacat kung saan namamalagi ang hayop.

READ: Aso, dinala sa burol ng yumaong propesor na lagi niyang pinupuntahan sa faculty room

Hindi naman tumigil ang van matapos mahagip ang aso.

Ayon sa empleyado ng paaralang nag-aalaga kay "Buboy," hindi nila napansin na nakalabas ang aso.

Hindi nila napigilan na maging emosyonal sa nangyari sa aso. --FRJ, GMA News