Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Tondo, Maynila, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Ayon sa Manila Police District, bigla na lang pinagbabaril ang hindi pa nakikilalang lalaki sa Mel Lopez Street sa Barangay 128.

Palaisipan kung sino ang suspek at ang motibo sa krimen. —KBK, GMA News