Maaari nang magbayad ng pamasahe sa LRT1 sa tulong ng QR code.
Sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Biyernes, inilahad kung paano ang pagbabayad sa pamamagitan ng QR code payment option:
- Sa pamamagitan ng "Ikot Manila App" na inilunsad ng LRT1, maaaring doon na makabili ng ticket ang mga pasahero.
- I-select lamang kung northbound o southbound ang biyahe, piliin ang station kung saan sasakay at kung saan bababa.
Matapos ito, lalabas na kung magkano ang babayaran, kasama ang convenience fee na P2.
Kapag nabayaran na gamit ang debit card o e-wallet, lalabas na ang QR code na maaaring magamit.
Dagdag ng ulat, bukod sa app, pede ring direktang gumamit ng e-wallet.
Sa bawat istasyon ay may QR code reader at kinakailangan lamang i-tap ang QR code na nasa cellphone dun sa code reader ng istasyon, ayon sa ulat.
Kapag tinanggap ang QR code, maaari nang pumasok sa loob ng train platform. Ganun din ang gagawin sa paglabas ng istasyon pagdating sa destinasyon. —LBG, GMA Integrated News