Hinuli ng mga tauhan ng Department of Transportation-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) ang convoy umano ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Rommel Marbil matapos dumaan sa EDSA busway sa Ortigas nitong Martes.

Sa ulat ng GMA News “24 Oras,” ipinakita ang video footage habang nakikipag-usap ang tauhan ng DOTr-SAICT sa pulis na kasama sa convoy.

Madidinig sa video na nakiusap ang pulis na padaanan ang convoy dahil may "emergency" umano si Marbil at patungo sa Camp Crame sa Quezon City.

Hindi kaagad natiketan ng DOTr-SAICT ang convoy matapos umalis pero isa sa mga sasakyan ang bumalik para tanggapin ang violation ticket.

Hinihintay pa ng GMA Integrated News ang komento ni  Marbil sa nangyaring insidente. -- FRJ, GMA Integrated News