Maagang natapos ang kampanya nina Alexandra “Alex” Eala at Hao-Ching Chan ng Chinese Taipei sa doubles event ng Hong Kong Open.

Noong Lunes, natalo ang dalawa sa tambalan nina Kamilla Rakhimova ng Russia at Aliaksandra Sasnovich ng Belarus sa iskor na 6–3, 1–6 10–7 sa Round of 16.

Gayunman, may pagkakataon ngayon si Eala na ituon ang kaniyang atensyon sa singles draw, kung saan makakaharap niya si Katie Boulter ng Great Britain.

Ang Hong Kong Open, isang WTA 250 tournament, ang huling torneo na sasalihan ni Eala para ngayong season.

 

 

--FRJ GMA Integrated News