Nakabawi na sa pagkatalo noong nakaraang taon, nakuha pa ni Alex Eala ang kaniyang kauna-unahang WTA 500 title matapos niyang talunin si Jessica Pagula, sa kanilang laban nitong Martes ng madaling araw para sa 2026 Mubadala DC Open finals sa Washington, USA.
Halos isang araw na nasuspinde ang laban ng dalawa dahil sa pag-ulan. Nang ituloy na ang laban, namayani si Eala sa iskor na 4-6, 6-4, 6-0.
Bago natigil ang laban nitong Linggo sa second set, lamang ang 32-anyos na si Pagula 2-1, at nakuha din niya ang first set, 6-4.
Ang panalo ng 21-anyos na si Eala ang nagbigay sa kaniya nang pinakamalaking tagumpay sa kaniyang career para sa kauna-unaha niyang WTA 500 title.
Bukod sa kaniyang pagiging kampeon sa DC Open, nakabawi na rin si Eala kay Pegula na tumalo sa kaniya sa 2025 Miami Open semifinals sa iskor na 7-6(3), 5-7, 6-3. – FRJ GMA News

