Bukas raw si Miss International Kylie Verzosa na pasukin ang showbiz pagkatapos ng kaniyang title reign.

Sinabi ito ni Kylie sa panayam ni Cata Tibayan sa "24 Oras" ngayong Huwebes.

"I'm open to it and we may have plans, pero we will talk about it pa," aniya.

Pero sino naman kaya ang type na leading man ni Kylie kung sakali?

"I like Alden, he is a very good actor," ani Kylie, na tinutukoy si Alden Richards.

Huling nagpakitang-gilas sa acting is Alden sa GMA News and Public Affairs special na "Alaala," na tungkol sa human rights violations noong Martial Law. —JST, GMA News