Brain hemorrhage o pagdurugo sa utak ang dahilan kaya na-cardiac arrest at nawalan ng malay ang aktres na si Isabel Granada habang nasa Doha, Qatar.
READ: Isabel Granada now in coma after cardiac arrest in Qatar
Sa ulat ng GMA News TV "QRT" nitong Miyerkules, ipinahayag ng mister ng aktres na si Arnel Cowley, na nagkaroon ng brain hemorrhage ang kaniyang asawa, na sanhi ng aneurysm o paglobo ng mahinang ugat sa utak.
ALAMIN: Ano ang aneurysm at papaano ito maiiwasan?
"She suffered from a brain hemorrhage which indicates aneurysm and in turn affected her heart. She collapsed suddenly without warning yesterday afternoon and is still not responding," pahayag ni Cowley.
"I have released this statement to end inaccurate speculations during this hard time for myself and the rest of the family and I would also like to thank the people that's supporting me here in Doha," idinagdag niya.
Bago ang naturang insidente, nakapag-Zumba at badminton pa raw ang aktres.
Pumunta ng Doha si Isabel para daluhan ang Philippine Trade and Tourism Conference.
Humiling ng dasal ng mga kaibigan at iba pang celebrity, kasama na si Chuckie Dreyfus, para sa paggaling ni Isabel.
Si Chuckie ang naging ka-love team ni Isabel sa ilang proyekto. --Rie Takumi/FRJ, GMA News
