Ngayong opisyal na ang summer, looking forward na ang marami sa mga destinasyong kanilang pagbabakasyunan para magpahinga. Pero ang ilang Kapuso stars, handa na rin mag-relax sa kani-kanilang rest house.

Sa Star Bites report ni Suzi Abrera sa GMA News TV "Balitanghali," sinabing naihanda na ni Gabby Concepcion ang kaniyang rest house sa Batangas.

"That's in Lobo, Batangas. Maganda, rustic siya, kahoy, para maramdaman mo talaga 'yung nature. Green siya. Ang mga ginamit naming mga poste at mga kahoy, 'yung mga nahulog na, 'yung mga naaanod ng dagat, iniipon ko lahat 'yon tapos ginagamit 'yon, barandilya, pang-poste, pang-trusses 'yung iba," ayon kay Gabby na magbabalik-primetime sa "Love You Two," kasama si Jennylyn Mercado sa "Love You Two."

Inihayag din ng aktor na pinaghahandaan niya ngayong summer ang kaniyang hobby na pagpi-fishing.

Samantala, nagsisilbi namang 2-in-1 ang beach property ni Glaiza de Castro sa Baler, Aurora, na bukod sa bakasyunan nila kaniyang pamilya, bed and breakfast din para sa mga turista.

Madalas aniyang nananatili si Glaiza sa kaniyang property bilang isang beach lover.

"May nag-offer kasi sa amin tapos it was a good deal, so sabi ko, 'Why not? Tapos malapit din 'yung puso ko sa dagat. So masaya ako na may ganu'ng klaseng dumadating na blessings," ayon kay Glaiza.

"Bed and breakfast siya, oo isa sa mga investments ko" dagdag pa ni Glaiza.

Maituturing naman nina Mavy at Cassy Legaspi bilang "bat cave" ang rest house ng kanilang pamilya sa Batangas.

Dito raw sila nagre-relax dahil sa tahimik at maganda ang lugar.

Laging hindi malilimutan ang mga bonding moments nila sa kanilang mga magulang na sina Zoren at Carmina.

"'Yung mga important talks about like growing up, maturing na, usually we have it there eh, mga around midnight na. That's very memorable moments besides 'yung mga swimming and eating," saad ng magkambal. -- Jamil Santos/FRJ, GMA News