Hindi napigilan ni "Inagaw na Bituin" star Kyline Alcantara na maging emosyonal habang kinakanta ang "Kinang" sa harap ng mga taong dumalo sa Kapuso Bangus Festival sa Pangasinan.
Ang "Kinang" ang original soundtrack ng pinagbibidahan niyang hit afternoon Kapuso series na "Inagaw Na Bituin."
Habang umaawit, tila hindi inasahan ni Kyline na kabisado ng mga tao ang kanta at sinabayan siya kahit bumuhos sa young actress ang emosyon.
Nakabawi rin naman agad ang aktres at ipinagpatuloy ang kaniyang pagkanta.
Kasama niyang dumalo sa naturang kapistahan ang mga co-star niya sa serye na sina Therese Malvar at Manolo Pedrosa. -- FRJ, GMA News
