Ipinasulyap na sa publiko ang 22 hopefuls na magtutunggali sa Season 7 ng reality artista search na "Starstruck," na mapapanood na simula sa Sabado.

Makikita sa YouTube page ng Starstruck ang mga contestants na ipinasilip ni Starstruck Insider Kyline Alcantara.

Sa Star Bites report ni Athena Imperial sa GMA News "Balitanghali" nitong Miyerkoles, sinabi ng host na si Dingdong Dantes isa ito sa mga aabangang bahagi ng show.

"Sa umpisa pa lang may tanggalan na agad. 'Yun 'yung isa sa mga unang twist na makikita du'n sa episode na ipapalabas namin very soon," ani Dingdong.

May mga twists din na mangyayari sa bagong season na inihayag ni Dingdong.

"Dito mas nagiging involved 'yung mga humahanga sa kanila dahil kahit hindi napapanood on air, nasusundan sila online" sabi ni Kapuso Primetime King.

READ: Starstruck' contestant na tatawag sa kaniya na 'tita'

Si Kyline ang maghahatid ng mga latest ganap ng hopefuls sa Starstruck Insider.

"Doon niyo po makikita lahat ng tsismis, lahat ng intriga, lahat ng behind the scenes na mangyayari sa hopefuls natin," sabi ni Kyline.

Hindi naging madali ang pagpili ng council na binubuo nina Cherie Gil, Heart Evangelista at Jose Manalo, sa mga contestant na papasok sa next round.

"Pagkatapos ng unang harap nila sa council, doon mo makikita kung ano 'yung pagkatao ng hopeful. More than 'yung talent na ipapakita, 'yung personality niya on how he or she adopts or copes with the challenges, 'yung aabangan ko," sabi ni Dingdong.

Ang pagiging artista ay matututunan naman aniya sa lahat ng mga workshop na pagdadaanan ng hopefuls.

"It can also be learned. Depende sa sipag, tiyaga at determinasyon," para kay Cherie.--FRJ, GMA News