Kinilala ng Cosmopolitan Philippines ang mga Kapuso stars na sina Solenn Heussaff at Heart Evangelista bilang mga "Women of Influence." Kanila ring nakasama sa parangal, ang trans woman na si Kevin Balot.

Sa Star Bites report ni Aubrey Carampel sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabing kinilala si Heart bilang "The Protector" dahil sa kaniyang malasakit sa mga hayop, partikular na sa mga aso at pusa.

"It's nice! I mean it's something that I'm very passionate about, which is letting my voice to those who can't really speak and defend themselves which are the dogs and the cats, specifically the puspins and the aspins," saad ni Heart.

Nakatakda na si Heart na i-release ang kaniyang bagong libro sa susunod na buwan, kung saan may special participation din si Crazy Rich Asians series best-selling author na si Kevin Kwan.

"It's about fashion, it's about styling yourself, the best looks. And I'm also very happy because Kevin Kwan is also part of the book. So it's a surprise, surprise 'yung gagawin niya for the book but he's definitely in it," ayon pa kay Heart.

Samantala, "The Visionary" naman ang ibinansag kay Solenn dahil sa mga obra niya sa pagguhit na nagpapakita ng iba't ibang mukha ng mga Pilipino.

"This award for me is more special kasi it's based on my art. I got to really meet our Filipino people so para sa akin mas may story sila, so mas maganda tingnan sa painting kasi mas vivid 'yung expressions nila," ani Solenn.

Very sassy at active pa rin si Solenn sa kaniyang sports kahit apat at kalahating buwan na siyang buntis.

"Anything I used to do dati, I still do it now. Siyempre minus 'yung crunches, minus 'yung jumping jacks. Pero lahat, boxing, kaya ko pa. Tapos nagsu-swimming ako, it was very good. Nagja-jogging pa ako," sabi ni Solenn.

Kabilang din sa mga pinarangalan sa "Women of Influence" ang trans woman na si Kevin Balot, at iba pang babae sa iba't ibang larangan.

"I wanna thank the team of Cosmopolitan for including us to be women at napakalaking bagay lang no'n sa amin at sa akin. I'm very sure na magiging proud 'yung mga LGBT community natin," saad ni Kevin.--Jamil Santos/FRJ, GMA News