Matapos ang maraming buwan na hindi napapanood sa telebisyon, nagpahiwatig si Kylie Padilla ng kaniyang pagbabalik sa pag-arte.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Kylie ang tila script na kaniyang binabasa para sa isang project.

"MY GAHD. BETH GETS KITA. CHEERS! Be you soon. ????????" caption ni Kylie.

 

 

Ikinatuwa naman ng kaniyang fans ang pagbabalik ng aktres.

"Finally our Reyna Amihan is back. excited for this. E corrie diu Hara Amihan," saad ng isang netizen.

"Can’t wait ate ky," sabi ng isa pang netizen.

Napanood si Kylie sa Kapuso rom-com series na TODA One I Love noong 2019.

Nakilala rin si Kylie sa kaniyang pagganap bilang si Amihan sa Encantadia noong 2016.

Matatandaang humingi muna ng kaunting panahon si Kylie para makapagpahinga at mapagtuunan ang kaniyang sarili sa gitna ng mga usapin na "on the rocks" ang relasyon nila ng mister na si Aljur Abrenica noong Pebrero. --FRJ, GMA News