Nagtamo ng sugat sa mukha si Jennie ng Blackpink nang madapa siya habang nag-e-ehersisyo.
Sa IG stories ni Jennie, na makikita rin sa Star Bites report ni Nelson Canlas sa Balitanghali nitong Martes, ipinakita ng K-pop idol ang kaniyang bandage sa mukha.
Pero mensahe niya sa Blinks, huwag mag-alala.
Kasalukuyang nasa "Born Pink" world tour ang Blackpink at nakatakdang magdaos ng concert sa Pilipinas sa Marso 25 at 26. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News