Nasa maayos na kalagayan si Elton John nang maospital matapos madulas sa kaniyang villa sa Nice, France.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabing ito ang inanunsyo ng spokesperson ng British singer.

Dinala si Elton sa orthopedic department ng Princess Grace Hospital sa Monaco at in-admit dahil sa minor injuries.

Matapos ang checkup, nakalabas na at nasa maayos nang kondisyon ang singer.

Natapos ni Elton nitong Hulyo ang kaniyang Farewell Yellow Brick Road tour. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News