Inihayag ni Kathryn Bernardo na siyang cover ng Mega Magazine na handa siyang magpatawad para sa kapanatagan at kalinawan ng kaniyang isipan.

Sa self-love issue ng magazine, aminado si Kathryn na lubhang malalim ang kahulugan ng pagpapatawad para sa kaniya.

Ilahad din ng aktres ang pagdistansiya sa sitwasyon bilang paraan "of protecting my peace.”

"For me, you can forgive people who deserve it. But when I forgive you, it doesn’t mean that I have to keep you in my life,” pahayag ni Kathryn, na sinabi rin na magagawa niyang magpatawad para sa kapayapaan at kalinawan ng kaniyang isip.

"But it doesn’t mean na puwede kang bumalik. There is a silent understanding: to give respect for whatever good we had in the past. I think that is where we should be right now. I don’t want to force things if I’m not yet ready. Let’s just leave it that way,” dagdag pa niya.

Nitong nakaraang Nobyembre, kinumpirma nina Kathryn at Daniel Padilla sa magkahiwalay na Instagram posts ang pagwawakas ng kanilang 11-taong relasyon.

Matapos nito, nag-post ang aktres ng katagang, “No looking back, only moving forward."

Nitong nakaraang linggo, ipinagdiwang ni Kathryn ang kaniyang 28th birthday na inilarawan niyang “happiest birthday to date.”

Nag-post naman si Daniel sa social media ng birthday message sa pamamagitan ng isang graphic image nila na may nakasaad na "Happy birthday to you” sa Japanese characters. — FRJ, GMA Integrated News