Umani na ng isang bilyong views ang GMA Prime series na "My Ilonggo Girl" na pinagbibidahan ni Jillian Ward.

"May 1 billion views na ang 'My Ilonggo Girl,' mga palangga! Madamo gid nga (maraming) salamat sa inyong pagsubaybay!," pag-anunsyo ng GMA Public Affairs sa kanilang Facebook page.

Inaasahan pa ang mga nakakakilig, nakakaiyak at tumitindi pang mga eksena sa buhay ni Roberta "Tata" Magbanua.

Gumaganap si Jillian sa dalawang karakter sa serye na sina Tata, isang Ilongga, at Venice, aktres na kamukha ni Tata.

Natuklasan ni Tata na kahawig na kahawig niya ang celebrity na si Venice, kaya ginaya niya ito sa kanilang canteen, dahilan para dumami ang kaniyang mga kostumer.

Napanonood ang My Ilonggo Girl tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA-7 (9:35 p.m.), GTV (11:25 p.m.), at sa GMA Public Affairs at GMA Network Facebook at YouTube livestream.

Nasa cast din sina Michael Sager, Lianne Valentin, Arlene Muhlach, Andrea del Rosario, Teresa Loyzaga, Empoy Marquez, Arra San Agustin, Vince Maristela, Richard Quan, Yasser Marta, Seebrenika Santos, Patricia Ismael, Yesh Burce, at Arman Salon, at may special participation din ni Kazel Kinouchi.— Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News