Sina Shuvee Etrata at Xyriel Manabat ang mga bago at huling pares ng housemates na papasok sa "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition."

Sa episode ng programa nitong Linggo, ipinakilala ng mga host na sina Gabbi Garcia at Bianca Gonzalez, si Shuvee bilang "Ang Island Ate ng Cebu." Habang "Ang Golden Anaktres ng Rizal" naman si Xyriel.

Bilang isang Star Magic actress, nakilala si Xyriel bilang child star sa ilang TV series tulad ng "Momay," at "100 Days To Heaven," at iba pa.

Samantalang si Shuvee, naging segment host ng "Unang Hirit" at bahagi ng Sparkle 10 ladies na inilunsad noong 2024.

Bago pumasok si Shuvee at Xyriel sa Bahay ni Kuya, isinagawa muna ang second eviction night kung saan pinalabas na sina Charlie Fleming at Kira Balinger.

Mapapanood ang "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" sa GMA Network sa ganap na 10 p.m. sa weekdays at sa ganap na 6:15 p.m. naman sa weekends. — mula sa ulat ni Jade Veronique Yap/FRJ, GMA Integrated News