Kabilang si Kira Balinger sa mga labis na natuwa sa mga housemate sa "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab" nang maging bisita nila si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee. May plano rin kaya si Kira na sumabak sa beauty pageant?
"It's always been in my plans po sana. Kaya lang siyempre po, I wanted to focus on one thing at a time, which is itong acting career ko po," sabi ni Kira sa nila guesting ng kaniyang ka-duo sa PBB na si Charlie Fleming sa GMA show "Unang Hirit" nitong Martes.
"'Cause when you join a beauty pageant it really takes effort and dedication. Hindi po basta-basta, siyempre po may training," pagpapatuloy ni Kira.
Noong nasa Bahay ni Kuya, matatandaang naging house guest si Michelle matapos ang unang eviction night. Dito ibinahagi ni Michelle ang proper walk sa kaniyang Rampa Masterclass.
"To live with ate MMD, as iconic as she is, it was such a huge blessing. Ang dami ko pong natutunan sa kaniya. Tapos sobrang hanga po ako sa kaniya dahil she really took the time to sit down with all of us and to have our own little personal talks. Tapos ang talino niya, ang bait niya. Hay nakakakilig!" pagbabahagi ni Kira.
Nang maalis sina Charlie at Kira sa ikalawang eviction night ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition,” pinag-usapan ng mga manonood ang mala-beauty pageant nilang reaksyon.
Habang naghihintay sa mga resulta sa ikalawang eviction night, makikita sina Charlie at Kira na magkahawak ng kamay at nakatungo, na tila mga beauty queen na naghihintay kung sino ang makakakuha ng korona.
"Actually hindi po talaga namin pinag-isipan 'yun, nangyari lang talaga," paliwanag ni Kira sa guesting nila ni Charlie sa Unang Hirit.
Ayon sa dalawa, goal na talaga nito kung sakali mang sila na ang susunod na evictees.
"Our goal po talaga in mind was to look good. So even if we walked out, we know that we looked really gorgeous! We look amazing!" paliwanag ni Charlie.
Bago ma-evict o matanggal sa Bahay ni Kuya, matatandaan na naging emosyonal si Kira nang inihayag niya ang kaniyang hangarin na muling mabuo ang kaniyang pamilya.-- FRJ, GMA Integrated News