Alamin ang resulta sa partial at unofficial count sa naging laban ng ilang celebrity na kandidato rin sa Eleksyon 2025, gaya nina Angelu de Leon, Ara Mina, Marjorie Barretto, at iba pa.

Sa ikalawang distrito ng Pasig City, nangunguna si Angelu de Leon sa bilangan ng mga kandidatong konsehal na anim ang ihahalal, na may botong 199,554.

Sa first district ng nasabing lungsod, pangalawa naman sa may pinakamalaking boto ang dating "Survivor" castaway na si Kiko Rustia, na may 108,715 na boto.

Sa nasabing distrito, nasa pang-pitong puwesto si Shamcey Supsup, na Miss Universe 2011 third runner-up, na may 42,987 na boto. Ang sinundan niyang nasa ika-anim na puwesto na si Paul Senogat ay may 76,257 na boto.

Sa first district ng Maynila, nangunguna sa pagiging konsehal ang anak ni Isko Moreno na si Joaquin Damagoso, na anim din ang ihahalal. Mayroong siyang 129,748 na boto.

Sa third district ng Maynila, nasa pang-10 puwesto si Mocha Uson na may 32,785 na boto. Ang nasa ika-anim na puwesto na si Jeff Lau, ay may 41,951 na boto.

Sa ika-anim na distrito pa rin ng Maynila, nangunguna ang veteran actor na si Lou Veloso na may 72,851 na boto.

Sa Quezon City, nakalalamang si Arjo Atayde sa labanan sa pagka-kongresista sa unang distrito na may 88,700, kontra sa 63,171 na boto ng katunggali niyang si Bingbong Crisologo.

Sa labanan sa pagka-konsehal sa ika-limang distrito sa Quezon City, nasa ikalawang puwesto ang aktres na si Aiko Melendez na may 151,169 na boto. Sumunod sa kaniya ang aktor na si Alfred Vargas na may 140,270.

Anim din ang ihahalal na konsehal sa Quezon City, at nasa ikapitong puwesto ang aktor na si Enzo Pineda na may 106,830 na boto. Ang sinundan niyang nasa ika-anim na puwesto na si Ram Medalla, may boto na 125,867.

Sa Caloocan City, kandidatong kongresista sa first district  ang dating aktor na si Rey Malonzo na nasa ikalawang puwesto sa botong 66,514. Nangunguna si Oca Malapitan na may 191,959.

Sa labanan sa pagka-konsehal sa nasabing distrito na anim ang mananalo, nasa pang-pitong puwesto si Marjorie Barreto na may 108,027 boto. Ang sinundan niyang kandidatong nasa ika-anim na puwesto na si Kaye Nubla, may 125,105 na boto.

Sa ikalawang distrito ng Caloocan na kumandidatong konsehal ang dating asawa ni Marjorie na si Dennis Padilla (Baldivia), nasa pang-16 na puwesto na may 9,222 na boto. Ang nasa ika-anim na puwesto na si Carol Cunanan, may 73,210 na boto.

Sa Malabon na kandidatong bise alkalde ang aktres na si Angelika dela Cruz, mayroon siyang 51,908 na boto, kontra sa nangungunang si Edward Nolasco na may 69,572 na boto.

Sa San Juan, nasa ika-apat na puwesto sa pagka-konsehal sa first district si Ervic Vijandre na may 15,846. Nasa ikalawang puwesto ang dating PBA star na si James Yap na may 16,772 na boto.

Sa Makati, nasa ikalawang puwesto si Monsour del Rosario na may 58,173 boto laban sa nangungunang si Kid Pena na may 164,325 na boto.

Nanguna naman sa pagka-konsehal sa first district ng Makati si Jhong Hilario na may 109,102 na boto.

Bisitahin lang ang GMA News Online at i-click ang eleksyon2025.ph para sa partial, unofficial election results para sa mga kadidatong senador, party-list, at maging sa mga lokal na posisyon. –FRJ, GMA Integrated News
 

For more Eleksyon 2025 related content and updates, visit GMA News Online's Eleksyon 2025 microsite.