Magkita at nag-usap ang dating magkasintahan na sina Barbie Forteza at Jak Roberto sa Beyond 75 anniversary event ng GMA Network.

Sa larawan na ipinost sa Facebook ng GMA News, makikita na nakatayo si Jak at nakangiti habang nakaupo naman si Barbie.

“After some time apart, Jak Roberto walked up to Barbie Forteza and said hi,” saad ng GMA News sa post.

Nitong nakaraang Enero nang ianunsyo nina Barbie at Jak ang kanilang paghihiwalay matapos ang pitong taong relasyon.

Kamakailan lang, napaisip ang netizens kung may namamagitan kina Barbie at Jameson Blake nang makita silang magkasama at masaya sa isang 10km fun run event.

Nakatakdang bumida si Barbie sa isang teleserye na “Beauty Empire” at horror movie na “P77.” Habang si Jak, napapanood afternoon GMA series na “My Father’s Wife.” — mula sa ulat ni Nika Roque/FRJ, GMA Integrated News