Dumating na rin ang hinihintay ng fans na collaboration ng SexBomb Girls at ng BINI!
Napuno ng excitement ang stage sa SM Mall of Asia Arena nitong Biyernes matapos na mag-guest appearance ang BINI sa reunion concert ng SexBomb Girls na “Get Get Aw!" rAWnd 3!
Nakihataw ang Nation’s Girl Group kasama ang SexBomb at nag-perform ng maikling set, kasama na ang “Halukay Ube,” “Salamin, Salamin,” at “Pantropiko.”
Ginanap ang unang reunion concert ng SexBomb Girls sa Araneta Coliseum noong Disyembre 4, at sinundan noong Disyembre 9 sa SM Mall of Asia Arena.
Gaganapin naman ang ikaapat at ikalimang round ng show nitong Sabado at Linggo.
Inihayag nina Aira Bermudez at Aifha Medina ng SexBomb ang kanilang paghanga sa BINI, at sinabing proud sila sa narating ng Nation’s Girl Group.
Komento ni Aira, “Siguro noong time namin, deserve namin. Pero time ng BINI ngayon, we have to respect that.”
“Ibigay na natin sa kanila ‘yon,” pagsegundo ni Aifha. —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News

