Isang babae na nagtatrabaho bilang heavy truck driver sa isang minahan sa Talavera, Surigao del Norte ang nagwagi sa International Obstacle Course Challenge sa Thailand.
Sa ulat ng GMA News TV, "Balita Pilipinas" nitong Lunes, sinabing itinanghal na 2nd runner-up sa Off Road Drive category sa naturang kompetisyon si Jennifer Inting, na idinaos nitong nakaraang buwan.
Ayon kay Inting, isa pang Pinay ang kasama niya sa kompetisyon, at anim na lalaki ang kanilang nakalaban.
Isang taon na umanong nagmamaneho ng malaking trak si Inting at ipinagmamalaki niya ito dahil kadalasan sa lalaki ibinibigay ang naturang trabaho.
"Maingat daw po yung mga babae magmaneho, mas malinis ang sasakyan," paliwanag ni Inting kaugnay sa pagkuha sa mga babaeng drayber. -- FRJ/JST, GMA News
