Dahil sa kaguluhan o kaya naman ay kawalan ng oportunidad sa Mindanao, maraming kababayan natin ang nagpapasyang mangibang-bayan sa  Sabah, Malaysia. Ngunit sa nakaraang apat na dekada, nasa 400 Pilipino kada linggo ang ipinadedeport mula Sabah pabalik ng Pilipinas. Panoorin ang kanilang kuwento sa "Reporter's Notebook."

Maliban sa mga Pinoy na nagtungo sa Sabah, mas malaking problema ang kinakaharap ng mga isinilang na doon. Bagaman maituturing na silang Malaysian, hindi naman sila puwedeng kilalanin dahil hindi sila nakatala o wala silang hawak na dokumento na magpapatunay na doon sila isinilang kaya kabilang din sila sa mga idini-deport sa Pilipinas.

Sa kabila nito, hindi naman nagpapabaya ang gobyerno na tulungan ang mga pinapauwi sa Pilipinas mula sa Sabah.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

-- Jamil Santos/FRJ, GMA News