Para matustusan ang dialysis ng kanyang may sakit na misis, nagbebenta ng obra sa kalsada ang isang pintor mula sa Iloilo, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Maraming netizen ang naantig sa kuwento ni Larry Casinao. Ngayon, hindi na lang sa kalsada makikita ang kanyang mga obra dahil magkakaroon na siya ng exhibit sa isang mall.

Namangha sa kanyang mga painting ang Kapuso star na si Heart Evangelista sa puntong pinahanap niya pa Illongong pintor.

Tampok sa mga obra ni Casinao ang kalikasan at simpleng pamumuhay ng mga Pinoy.

Labis ang pasasalamat ni Casinao sa mga tumulong sa kanya at patuloy daw siyang magsusumikap para sa kanyang pamilya. —Joviland Rita/KBK, GMA News