Sugatan ang isang babaeng senior citizen na nahulog sa hagdanan sa Laoag, Ilocos Norte, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Sa kuha ng CCTV, makikitang naglalakad ang 76-taong gulang na biktima.

Nang bumaba na siya sa hagdanan, nawalan siya ng balanse at nahulog.

Nasugatan sa ulo ang biktima.

Ginamot naman siya ng paramedics at ligtas na. —KBK, GMA News