Malalalim na sugat mula sa pananaga ang ikinamatay ng 32-taong gulang na si Vicente Villareal Jr. ng Nabua, Camarines Sur, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Suspek sa krimen ang nakababatang kapatid ng biktima na si Samuel Sunga.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, sinugod ni Villareal si Sunga dahil naghahanap ito ng lighter para ipansindi sa siga.

Nagsuntukan ang dalawa hanggang sa makakuha ng itak si Sunga at pagtatagain ang kanyang kuya.

Naaresto ang suspek na umamin sa krimen pero giit niya dumepensa lang siya.

Pinag-aaralan pa ng mga kaanak ng suspek kung sasampahan siya ng reklamo. —KBK, GMA News