Dead on the spot ang dalawang drug suspects matapos makipag barilan ang mga ito sa mga operatiba ng PNP Quezon.

Ayon kay Police Major Gaylor Pagala, ikinasa ang drug bust operation dakong ala-una ng madaling araw nitong Sabado sa Barangay Kulapi, Lucban, Quezon.

Nagpanggap raw na buyer ng shabu ang isang pulis at nakipag transakyon sa tulak ng droga.

Photo courtesy: PNP Quezon
Photo courtesy: PNP Quezon

Nang magka abutan na raw ay nakatunog ang tulak ng droga na pulis ang kanyang katransaksyon kung kaya’t dali-dali itong tumakbo sa kanyang sasakyan at tumakas.

Doon na nagkahabulan at nagkapalitan ng putok habang naghahabulan.

Bago pa raw makalabas ng Lucban ang tumatakas na suspek ay naharang ito ng mga nag-aabang na operatiba. Bumaba raw ang dalawang sakay ng kotse at nakipagpalitan muli ng putok sa mga pulis hanggang bumulagta ang dalawa.

Nakuha sa mga ito ang dalawang kalibre .45 na baril, mga plastic ng shabu na nagkakahalang higit P6 milyon, cash, at mga bala.

Nagsasagawa kasalukuyan ng follow up operation ang mga pulis upang matukoy ang iba pang kasabwat ng dalawang drug suspect. —LBG, GMA News