Natunton na ang kinaroroonan ng isang lalaking COVID-19 positive na tumakas sa isolation facility sa Nasugbu, Batangas.

Ayon sa ulat sa 24 Oras News Alert nitong Martes, naibalik na sa isolation facility ang lalaki at tatlo pa nitong kasama. Nahuli sila sa bayan ng Liyan.

Muli silang sumailalim sa swab test lalo na at mayroong ubo, sipon at lagnat ang isa sa tatlo.

Bantay sarado na ang mga pasyente at inihahanda na ang mga isasampang reklamo. —Ma. Angelica Garcia/KG, GMA News