Mahigit 500 pamilya o 2,821 na indibidwal ang nawalan ng tirahan sa sunog sa Zamboanga City noong Miyerkules.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa Unang Balita nitong Huwebes, sinabing nabulabog ang mga residente Purok 3B, Barangay Recodo ng lungsod ng dahil sa sunog.

Nagsimula ang sunog sa isang bahay at dahil gawa sa light materials ang mga bahay sa lugar, mabilis na kumalat ang apoy na umabot sa ikalawang alarma.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga taga-Bureau of Fire Protection na napabayaang kandila ang pinagmulan ng apoy.

Napag-alaman din na dalawang araw na walang kuryente sa lugar dahil sa masamang panahon.

Wala namang naiulat na nasawi sa sunog.  —LBG, GMA News