Dalawa ang nasawi nang humantong sa disgrasya ang drag racing ng mga kabataan sa Libungan, Cotabato.

Ayon sa ulat sa 24 Oras Weekend ngayong Linggo, patay ang 17-anyos na sakay ng motorsiklo, na base sa imbestigasyon ay sumalpok sa sinusundan nitong top-down motorcycle na may lulan namang mag-asawang negosyante.

Patay ang maybahay habang kritikal ang kanyang mister.

Pinaiigting na raw ng pulisya ang crackdown sa drag racing sa lugar. — BM, GMA Integrated News