Isang sundalo ang nasawi matapos umanong barilin ng kaniyang misis sa kanilang bahay sa Bacolod City. Ang misis, nasawi rin matapos namang saksakin umano ng kaniyang biyenan.
Sa ulat ng GTV News State of the Nation nitong Lunes, sinabing lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa nang umuwi mula sa outing.
Hanggang sa marinig na ang mga putok ng baril mula sa service firearm mismo ng sundalo, at humandusay ang lalaki.
Ayon naman sa saksi, nakita naman ng ama ng sundalo ang sinapit ng anak. Kumuha ito ng kutsilyo at pinagsasaksak umano ang manugang.
Sumuko ang biyenan sa pulisya at nakakulong na pero hindi siya nagpaunlak ng panayam.
Iniimbestigahan pa ang motibo at ugat ng pagtatalo ng magkakaanak.
Naulila ng mag-asawa ang anak nilang 11-taong-gulang. – FRJ GMA News
