Marami ang nabigla nang maibalitang tinamaan ng brain aneurysm at kinalaunan ay pumanaw ang aktres na si Isabel Granada. Batay sa mga pag-aaral, higit na malaki ang tiyansa na tumama ang naturang sakit sa mga kababaihan.

Sa programang "Brigada," dalawang babae na nakaligtas sa sakit na itinuturing "silent killer" ang nagbahagi ng kanilang karanasan sa pagharap sa naturang karamdaman, ang patuloy nilang pakikipaglaban sa buhay, at pangamba na baka maulit ang pag-atake ng sakit.

Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

-- FRJ, GMA News