Sa nakalipas na dalawang dekada, araw-araw na hinaharap ni Aling Dita ang mabigat niyang problema dahil sa kaniyang kalagayan na "Gigantomastia" o ang abnormal na paglaki ng dibdib. May pag-asa pa kaya upang malutas ang kaniyang problema sa pamamagitan ng operasyon?
Alamin ang araw-araw na paghihirap na pinagdadaanan ng 54-anyos na si Aling Dita, hindi lang dahil sa bigat nito, kung hindi maging sa paraan para niya ito ikubli dahil na rin sa hirap ng paghahanap ng bra na kakasya sa kaniya, at ang panghuhusga ng ilang tao.
Panoorin ang pagtutok na ito na ginawa ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."
Paalala, maselan ang video:
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
