Batay sa isang pag-aaral ng Philhealth, nasa 1,600,000 na kabataang Pinoy na edad 19 pababa ang mayroong Developmental Disability. Alamin sa episode na ito ng "The Healthy Juan" kung paano matutukoy kung mayroong ganitong kondisyon ang isang bata tulad ng autism at down syndrome. Panoorin.

Inalam ng host ng programa na si Rocco Nacino sa aktres na si Candy Pangilinan kung paano niya nalaman na may autism ang kaniyang anak at ano ang kaniyang mga ginawang paraan upang maalalayan ang anak sa paglaki.

Samantala, may mga pribadong kumpanya naman na tumutulong upang mabigyan ng trabaho at makapamuhay ng normal ang mga taong may developmental disability tulad ni Renz na mayroong down syndrome.


Click here for more GMA Public Affairs videos

--FRJ, GMA News