Naging usap-usapan kamakailan ng netizens ang isang Facebook Live sa naganap na sunog sa Sibonga, Cebu. May mahagip daw kasi sa video na tila aparisyon ng patron nilang si Sta. Filomena Nuestra Señora del Pilar na pinaniniwalaang nagligtas sa mga naging biktima ng sunog. Gaano nga ba ito katototoo?
Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," nakausap ang nag-upload ng video at sinabi nito na hindi niya napansin ang naturang "imahe" na nasa bubungan nang gawin niya FB Live. Nalaman lang daw niya ang tungkol dito nang may mga nagkomento na sa kaniyang post tungkol sa imahe na ang tingin ng iba ay "multo" o kaya naman ay Birheng Maria.
Kasama ang team ng "KMJS," binalikan nila ang lugar kung saan kinunan ang video at nagulat sila sa kanilang nakita nang muling kunan ang anggulo ng hinihinalang aparisyon. Kung ano ang kanilang nakita, panoorin.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
