Sa programang "Tonight with Arnold Clavio," ikinuwento ng vloggers at bisexual couple na sina Ynnah Mae Sanchez at Denisse Aquino kung paano nagsimula ang kanilang pag-iibigan.

Anila, magkakilala na sila noong high school pa lang pero nagsimula ang lahat sa isang chat at pagtatanong ng "kumain ka ba?" Kinalaunan ay lumalim na ang kanilang ugnayan habang sa nagka-developan.

Naging vloggers din sila ngayon at idinodokumento ang kanilang mga travel at adventure.

Ibinahagi rin ng dalawa kung paano nila ipinaliwanag sa kani-kanilang pamilya ang kanilang relasyon. Panoorin.



Click here for more GMA Public Affairs videos:

--Jamil Santos/FRJ, GMA News