Iba't ibang katanungan ng netizens tungkol sa kalusugan ang sinagot ng resident doctor ng "Pinoy MD." Kabilang dito ang tanong na, senyales ba ng sakit sa kidney ang mabulang ihi at kung posible bang mauwi sa cancer ang almoranas?

Ayon sa Oncologist na si Doc Dave Ampil II, maraming posibleng dahilan kung bakit nagiging mabula ang ihi ng tao. Kabilang na dito ang puwersa ng pag-ihi o sa uri ng nakain o nainom, o baka naman kulang sa hydration.

Gayunmanpan, sinabi ni Ampil na posible ngang sintomas ng sakit sa kidney ang pagiging mabola ng ihi kaya makabubuting magpasuri sa doktor o magpa-urinalysis.

Tungkol sa almoranas, sinabi ni Ampil na hindi naman nauuwi sa cancer ang almoranas pero posible umano itong sintomas ng mas malalang sakit tulad ng sakit sa atay o bukol sa bituka.

Kaya naman ipinayo rin niya na ipasuri sa doktor kung mayroong almoranas.

Panoorin ang buong paliwanag ni Ampil tungkol sa naturang mga sakit, at pati na ang mga kasagutan niya sa iba pang isyung kalusugan tulad ng frozen shoulder at kung may gamot ba sa gallbladder stone.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News