Isa sa mga comfort food ng mga Pinoy ang goto o lugaw. Pero dahil may ilan na 'di type ang kanin na may sabaw, naisipan ng isang isang restaurant na mag-alok ng lugaw-goto na walang sabaw. Paano kaya 'yon? Alamin.

"I have friends kasi, nu'ng sinabi ko na, 'Uy itatayo ko na 'yung gotohan ko,' sila 'Yuck goto!' Ayaw nila sa goto 'yung kanin na may sabaw," sabi ni Sandra Santiago, owner ng Goto Believe, nang makapanayam ng programang "Pera-Paraan."

"Nag-come up kami sa isang dry version ng goto, fried rice pero lasang goto siya," paliwanag pa ni Santiago.

At mula sa kakaibigang lugaw-goto na walang sabaw na ala-sinangag, nag-level up si Santiago ng iba't ibang menu nito na may katernong ulam.

Gaya ng "Gologs" (goto at itlog), "Gosawlog" (goto-isaw-itlog), "Godulog" (goto-dugo-itlog), "Gorylog" (goto-cream dory-itlog), "Gongalog" (goto-tenga ng baboy-itlog), "Golaklog" (goto-chicharong bulaklak-itlog), "Gobitlog" (goto-bituka ng baboy-itlog) at marami pang iba.

Bukod dito, maaari din silang pumuli kung dry o wet na goto.

Nagsimula sa garahe ng kanilang bahay, mayroon na sila ngayong tatlong branches at kumikita ng P20,000 hanggang P30,000 isang araw bawat branch. --FRJ, GMA News