May kaniya-kaniyang kuwento ang bawat libingan at puntod. Gaya na lamang ng isang simbahan sa Intramuros na mayroong libingan at may itinayo pang monumento para sa mga martir na Espanyol.
Alamin sa nakaraang episode ng i-Juander kung sino ang ilan sa mga prominenteng tao na nakalibing sa loob ng San Agustin Church sa Intramuros, gayundin sa Manila North Cemetery.
At kung saan naman nakalibing ang babaeng unang nagpatibok sa puso ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, na si Segunda Katigbak. Panoorin ang video. -- FRJ GMA Integrated News
