Pinatunayan ni Geneva Cruz na age is just a number pagdating sa pagsusuot ng bikini.

Pinainit nga ng 46-anyos na si Geneva ang social media matapos siyang mag-post sa Instragram ng kaniyang bikini photos habang nasa beach sa Boracay.

Ito rin ang kaniyang tugon sa mga basher na nagsasabing hindi na siya dapat magsuot ng bikini dahil sa kaniyang edad.

"When some people tell you not to wear a bikini on the beach because you're already in your 40s...

Me: WATCH ME!," caption ni Geneva sa post na makikita ang magandang hubog ng kaniyang pangangatawan suot ang yellow-two piece swimsuit.

 

 

"So at 53YO I can’t wear bikinis too?," komento sa post ng aktres na si Samantha Lopez tungkol sa sinasabi ng basher.

"Hahaha! Right? Who says we have to listen to what they say, sis! Hahaha! You go, beautiful woman! @samanthalopeznyc" tugon ni Geneva.

Kabilang si Geneva sa mga celebrity na hindi tinatantanan ng mga basher. Hindi naman ito pinapalampas ng singer-actress at maayos niyang sinasagot.

Kamakailan lang, isang basher na nagsabi sa kaniya na "Trying hard," ang binigyan niya ng payo.

“It's your kind who should learn how to support your fellow women instead of talking ill about them," tugon ni Geneva.

"Making them feel bad does not make you prettier or COOLER; it is a reflection of how you feel about yourself. I wish you happiness and enlightenment in life," dagdag pa ng aktres. --FRJ, GMA News