Bahagi na ng Sparkle family ang dating miyembro ng K-pop group na Momoland na si Nancy McDonie.

Inanunsyo ito ng Sparkle sa pamamagitan ng isang post sa Instagram ngayong Lunes.

"Sparkle proudly welcomes its new international star, Nancy McDonie, to its diverse and stellar roster of talents," saad sa caption.

"Get ready to witness her journey as she shines among the brightest stars in the industry! Welcome to Sparkle, Nancy."

Una rito, nagpasilip ang Sparkle tungkol sa sikat na personalidad na magiging bago nitong talent.

Kasama rito ang silhouette ng K-pop idol, at voice message na nagsabing: "Annyeong Sparkle, see you soon!"

 

 

Taong 2016 nang maging miyembro ng Momoland si Nancy Jewel McDonie, isang Korean-American singer.

Nabuwag ang grupo noong February 2023.

Noong nakaraang Nobyembre, bumisita sa Pilipinas si Nancy para sa isang one-night concert kasama ang Korean actor na si Lee Seung Gi na bahagi ng first anniversary ng isang Korean Fried Chicken restaurant sa Bonifacio Global City.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na isang K-pop -idol ang naging bahagi ng Sparkle. Noong 2022, naging bahagi rin ng Sparkle ang K-pop singer na si Chanty ng Lapillus. —FRJ, GMA Integrated News