Ang Bagong Taon ng 2026 ang tinaguriang “Year of the Fire Horse.” Alamin ang kapalaran ng iyong Zodiac sign pagdating sa career, kalusugan at pag-ibig sa taong ito.

Ngunit paalala lamang, ang mga ito ay gabay lamang. Ang ating kapalaran ay nakasalalay sa mga desisyon at aksyon na ginagawa natin sa ating pang-araw-araw na buhay.

Year of the Horse (1954 1966 1978 1990 2002 2014)

“Basically, if it's your own year kasi medyo malakas din 'yung conflict energy. Kasi ‘pag Horse, mas maraming matang nakatingin din sa'yo for the year,” sabi ni Chua.

Mag-iingat din sa mga nampo-provoke o susubok ng pasensiya. Kailangan din nilang mag-ingat sa kanilang mga desisyon o huwag masyadong magmamadali, lalo pagdating sa kalusugan.

Year of the Rat (1948 1960 1972 1984 1996 2008 at 2020)

“The Rat po kasi, number one kalaban din ng Horse. Kaya sa mga Year of the Rat, medyo partly iniingatan po natin, number one is mga traitors, backfighters, and conflicts,” babala ng feng shui expert na si Johnson Chua.

Gayunman, may number six star para sa mga Rat, na mainam para sa promotion at recognition. Maganda rin ang 2026 para mang-akit ng mga tao na tutulong at susuporta sa kanila pagdating sa career.

Pagdating sa kalusugan, medyo prone sa mga mental at emotional stress ang mga Rat, at kailangan din nilang maging maingat sa mga physical injury gaya ng mga aksidente.

Year of the Ox (1949 1961 1973 1985 1997 2009 2021)

Kasama ang mga Ox sa top three animal signs ng 2026. Gayunman, kailangan pa rin nilang bantayan ang mga conflict.

Mayroon silang networking star kung saan mabilis silang makakakonekta sa ibang tao. Malakas din ang kanilang resource energy, na tamang tama para sa bagong negosyo, o aasenso sa trabaho.

Year of the Tiger (1950 1962 1974 1986 1998 2010 2022)

Kaibigan ng Horse ang Tiger kaya magiging pabor din para sa kanila ang taon, kung saan magkakaroon sila ng maraming network at mga koneksiyon.

Gayunman, kailangan pa rin nila itong haluan ng sipag at tiyaga, at samahan ng pagkilos ang mga plano.

Gayunman, kailangan nilang bantayan ang mga posibleng aksidente. Kailangan nilang mag-ingat sa high risk sports o high risk adventure.

Pagdating sa pag-ibig, magandang taon ito para sa Tiger.

Year of the Rabbit (1951 1963 1975 1987 1999 2011 2023)

Mapapatalon sa tuwa ang mga Year of the Rabbit dahil ito ang number one animal sign para sa 2026.

Malakas ang kanilang financial energy kaya malakas din ang kanilang money luck at career.

Suwerte rin sila pagdating sa pag-ibig dahil mayroon silang sky happiness ngayong taon kung saan bubuti pa ang kanilang mga relationship, lalo ang mga couple at mga single.

Gayunman, may “broken clash” o broken promises o expectations ng mga Rabbit. “Go with the flow sa manifestation. Huwag lang tayong masyado too much on the expectation,” sabi ni Chua, dahil masyado ring emosyonal ang mga Year of the Rabbit.

Year of the Dragon (1952 1964 1976 1988 2000 2012 2024)

Maganda rin ang 2026 para sa mga Dragon. Malakas ang energy nila para sa mga oportunidad at pag-asenso o growth sa career, kaya makararanas sila ng promotion o recognition.

Kakailangananin nila ito para sa impluwensiya o marketing power.

Year of the Snake (1953 1965 1977 1989 2001 2013)

May mga magagandang oportunidad din na mangyayari para sa Year of the Snake sa 2026 lalo pagdating sa career.

Gayunman, kailangang pag-ingatan ang kalusugan, o huwag masyadong mag-multitasking o multi-goal, dahil posible nilang maramdaman na mas mabilis silang ma-stress o mapagod.

Year of the Goat (1955 1967 1979 1991 2003 2015)

Ang mga Year of the Sheep o Goat ay “best friend” ng mga Horse kaya mabuting taon ang 2026 para sa kanila.

Mayroon silang mabuting network. Ngunit kailangan nilang pag-ingatan ang travel accidents o huwag maging masyadong careless. Pag-ingatan din ang pagtitiwala sa tao dahil magkakaroon ng trust issues ngayong taon.

Year of the Monkey (1956 1968 1980 1992 2004 at 2016)

Mainam ang 2026 para sa mga Monkey pagdating sa oportunidad.

Makaaakit sila ng mga matulunging tao, at may mga senyales din ng career advancement. Gayunman, kailangan nilang maging maingat pagdating sa mga aksidente o physical injury.

Kailangan din nilang pag-ingatan ang kalusugan laban sa mga sakit na may kaugnayan sa baga o viral infection.

Year of the Rooster (1957 1969 1981 1993 2005 2017)

Kailangang mag-ingat ang mga Rooster pagdating sa kanilang emosyon, dahil mataas ang kanilang tension energy o aggression energy ngayong taon.

“So mamaya mas more magiging aggressive, mas more magiging impulsive or tactless. And partly mas mahihirapan nila controlling 'yung temper nila for this time. Kaya huwag magpapadala sa emotion,” sabi ni Chua.

Maraming magagandang oportunidad para sa mga Rooster pagdating sa pera o negosyo. Ngunit posible pa rin silang pigilan ng kanilang mga emosyon.

Year of the Dog (1958 1970 1982 1994 2006 2018)

Maganda rin ang oportunidad para sa mga Dog dahil kaibigan nila ang Horse.

Dahil dito, maganda ang kanilang network o connection at malakas din ang kanilang resource energy.

Gayunman, dapat nilang bantayan ang kanilang kalusugan, lalo ang mental stress at emotional stress. Huwag ding mag-overburden o over-analytical o analysis paralysis. Maging maingat din sa paghawak ng pera.

Year of the Pig (1959 1971 1983 1995 2007 2019)

Kailangang pag-ingatan ng Pig ang kanilang kalusugan. Dapat nilang bantayan ang kanilang emotion energy dahil “passion year” ang 2026.

“Kapag mataas ang emotion mo, magiging very productive ang Year of the Pig. So, ‘yun ang kagandahan. But ‘yun nga lang, pag nag-low 'yung emotion mo, alam mo parang ang hirap na magtrabaho,” ani Chua.

Magiging malakas ang network at connection para sa Year of the Pig, lalo ang mga long-term decision at investment. -- FRJ GMA Integrated News