Isang malaking aso ang may kagagawan sa pagkamatay ng mga alagang manok, bibe at baboy na mga natagpuang walang ulo at lamang loob sa Casiguran, Aurora kamakailan.

Ito ang lumabas sa pagsisiyasat ng investigative team ng pulisya at veterinarian team ng Department of Agriculture sa munisipalidad, ayon sa Balitanghali Weekend  ng GMA News TV nitong Sabado.

Wala ring lamang loob nang matagpuang patay ang isang baboy.

Hindi na nagawang suriin pa ng mga awtoridad ang baboy dahil nailibing na ito.

Aswang ang unang suspetsa ng mga residente bilang may pakana ng pag-atake.

Patuloy naman ang pagkalap ng datos ng mga awtoridad upang tuluyan na ring matuldukan ang mga usap-usapan tulad nito.

Noong nakaraang Hulyo, natagpuang patay at may sugat sa leeg ang 21 panabong na mga manok sa Cagayan de Oro City.

Hinala ng mga residente, posibleng ang misteryosong nilalang na "Sigbin" ang pumatay sa mga manok. —Jamil Santos/KG, GMA News