Malaking tulong sa mga fashionistang gipit ang mga damit na ukay-ukay dahil mabibili ang mga ito sa abot-kayang halaga. Pero sa isang babaeng nagtitinda ng ukay-ukay, mas malaking biyaya ang inasahan dahil sa nakita niyang ng anim na piraso ng one million Argentine Pesos na nasa bulsa ng isa niyang paninda.

Ang malaking tanong, may halaga pa kaya ang naturang dayuhang pera at mapapalitan kaya ang ito sa Pilipinas? Panoorin at alamin kung magiging biglang milyonarya ang ukay-ukay vendor sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

--FRJ, GMA News

Tags: