Hindi lang "maliit" kung hindi literal na "barya" pa na tig-singko at diyes ang tinanggap na sahod ng isang factory worker sa Valenzuela City.

Twitter post nitong Lunes, sinabi ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City na humingi ng tulong ang manggagawa kay  Mayor Rex Gatchalian.

Umabot umano ng P1,056 sa baryang sahod ng manggagawa.

 

 

Ayon sa lokal na pamahalaan, nakausap na ni Gatchalian ang kinatawan ng Next Green Factory at ang kawani.

Pero wala umano ang may-ari ng kompanya dahil nasa ibang bansa.

Sinabi ni Gatchalian na hindi dapat panghinaan ng loob ng mga manggagawa sa industriya.— FRJ, GMA News