Hindi gadget o laruan, kung hindi buhay na kalabaw  ang natanggap na regalo ng isang batang lalaki na nagdiwang ng kaniyang ikapitong kaarawan sa Sibalom, Antique.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkoles, sinabing naging bongga ang simpleng ang selebrasyon ng kaarawan ni Prince Daniel na ginawa sa damuhan.

Nagulat at natuwa naman ang birthday boy sa natanggap niyang regalo.

Sa mga larawan ni Darlyn Joy Esmediana Sernicola, makikita na binati rin si Prince ng kaniyang pamilya gamit ang kamatis na kanilang pananim sa bukid. --Jamil Santos/FRJ, GMA News