Kinagiliwan ng netizens ang isang aso dahil sa sobra nitong lungkot habang nanonood ng “Queen of Tears” sa San Diego, California.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Huwebes, itinampok ang Tiktok video ni Louie Lemon na nanonood ng naturang hit k-drama series.

Ayon sa Pinoy fur parents na sina Precious at Jonathan Cubillo, mahilig makisali si Louie Lemon tuwing kanilang watch and chill time.

Relate ang netizens sa emosyon ni Louie Lemon.

“Please send this to Kim Jiwon, she's [a] dog lover. She will love this so much,” komento ng isang netizen.

“Someone send this to [Kim Soo-hyun] and [Kim Ji-won] please, even dog cry tho” saad ng isa pang nag-comment.

@l0uielem0n she got wayyy too into it… #queenoftears #kdrama #kimjiwon #kimsoohyun #netflix #cavapoo #dogsoftiktok ? original sound - Louie Lemon

—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News