Laking-gulat ng isang ina nang may dumating na mga pulis sa kanilang bahay sa Wisconsin, USA. Ang kaniya palang 4-anyos na anak, tumawag sa 911 at pinahuhuli siya dahil hindi niya ito binigyan ng ice cream.

"My mommy is being bad," sumbong ng bata na umiiyak na maririnig sa audio recording ng Village of Mount Pleasant Police, na mapanonood din sa GMA Integrated Newsfeed.

"What did you do?" tanong ng ina sa bata, nang katukin na sila ng mga pulis.

"Did you call the police?" tanong din ng isang pulis sa bata.

"Yah," sagot naman ng bata.

Nang tanungin uli siya kung bakit, sagot muli ng paslit, "Because my mommy should go to jail."

Sumbong pa niya sa pulis, "I hate her, because she is being bad to me."

Pinapasok ng ginang ang mga pulis at pinakinggan nila ang salaysay ng paslit. Ang nanay, hinahayaan naman na magkuwento kung bakit ito tumawag sa 911.

"I didn't get ice cream yet," lahad ng bata.

"So is that why you're upset?" tanong ng pulis.

"Yeah. That's why I didn't get no ice cream," tugon ng bata.

Kaya naman ang mga rumespondeng pulis, natawa na lamang sa paliwanag ng bata.

Ayon sa ina ng bata, may binili silang dalawang ice cream at kinain niya ang isa sa mga ito.

Ang akala ng anak, ang kaniyang ice cream ang kinain ng ina, kaya tumawag siya sa 911.

"How he did it was so impressive. He got on the phone and he tells Siri, 'Hey Siri! Call the police. My mom is being bad.' I had to chase him around the house and that's when he was, it probably sounded like he was getting beaten up because I was chasing him around the table trying to get the phone from him," salaysay ng ina.

Ayon sa isa sa mga pulis, ito ang unang beses na nakaranas siya ng ganitong insidente.

Sa halip na magalit, pinuri nila ang bata sa pagiging "smart" nito.

Bago umalis ng bahay ang mga awtoridad, hinayaan nila ang bata na posasan ang kaniyang ina.

"Maybe you don't need to go to jail," sabi ng bata.

Matapos mapagbigyan ang bata, umalis na ang mga pulis.

Kinabukasan, bumalik ang mga pulis sa kanilang bahay, ngunit hindi na posas ang dala kundi ang paboritong ice cream ng bata na may sprinkles. -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News